Takas lang. >:)
Noon pa re. Flashback lang. Umalis kasi parents ko non. Tas OJT na ni kuya. Ede mag-isa lang ako sa bahay. Tas bilin ng mama ko gagabihin daw sila. Tas binisita ako ni Ian. Tas ayun nagyaya gumala. Sabi ko naman talaga hindi pwede. Eh talagang mapilit yun. Tas sabi ko din wala akong pera. (pero meron naman talaga. Mga P300 HAHAHAH :D) Ede syempre hirit nun Libre niya. Mayaman naman talaga yung ungas na yun we. Tas sabi ko di talaga pede. Walang tatao sa bahay. Natural na sasagot nun i-lock ko. Tas nagdrama, minsan na nga lang daw kami mag kita. Blablabla. Ede ayun. Pumayag na ko. Sabi ko saglit lang. De nag Trinoma kami. Tas nanuod kami ng The Lucky One nun. Kapag nag eenjoy ka na talaga, makakalimutan mo na lahat. Pati yung oras. Hanggang nag text na mama ko. Sabi magsaing na daw ako at papauwi na sila. Ampota. Kabang kaba ko. Nagmadali akong magyaya umuwi. Jsko. Kabog na kabog na talaga ko. Tas lumapot na pawis ko sa kaba.Jskooo. Di ko maexplain yung feeling ko nung nasa fx kami. Kabang kaba ako. Tas parang nakikita ko na yung mangyayari sa future. Yung sesermonan ako. Grounded ako. Kukunin ang lahat sa akin. Oh Lord.

Pero buti na lang talaga, nauna pa din akong umuwi sa kanila. Mahal talaga ko ni Lord 0:)

Gising pa ko.
Ano ba yan. Mag a-alas dos na gising pa ko. -______- Gusto kong matulog but i can’t. Arte e. :))
Ang gusto ko lang naman
Ay ibigin ka at ibigin mo rin ako. Mahirap ba yon?
Namimiss ko na yung Mara Clara.
Pero mas namimiss ko si Gary David at yung mga linya niya na nakakaputa talaga. Mas nakakamiss si Aling Minda, na naghahanap ng halo halo sa gabi. For the win yun.
Hey, I just met you. And this is crazy. But here’s my number. SO CALL ME MAYBE! :)))
Pasukan.
Jsko. June 4 daw pasukan namin. Tas kakaenroll ko lang ngayon. Wow naman talaga. Kinabog na talaga ko ng todo. Ineexpect ko na mga June 13 pa pasukan ko kasi nga late na late na enrollment namin tas biglang ganto. BAM! So 1 week na lang nalalabi sa buhay ko. OMY. Di ko alam gagawin. Ngayon ko lang din nalaman schedule ko. pati Uniform ko. Di pa ko nagpapatahi. Tas in 1 week andun na ko. Tas di pa kami nag aayos ng dorm. palakpakan naman talaga o. Kinakabahan na talaga ko. Anlapit na ng June 4. Tas sa Wed ko pa lang makikita yung dorm. OHHHHH. Tas di ko alam kung classmate ko yung kaisa isahan kong nakilala-_________- I’m having a panic attack.

Sa wakas.
Napapayag ko na din mag dorm ako. Kaso kasama ko kuya ko. Pero kasama ko naman si Czelou. Tas kasama di niya kuya niya. How awkward. Baka kami lang ni Czelou mag usap. Well. I don’t care kung kasama pa kuya ko. HAHAHAHA. Basta. masaya ko at may dorm na ko. :D

Natanga talaga ko dito. Nakakahiya. :)) HAHAHAHAHAH
Dorm :)
Ay grabe. Nagkausap na din kami ni Czelou :”> Best friend ko yun at mahal na mahal ng mama ko. HAHAH. :)) Anyway, sana maging magka dorm na kami. Sana pumayag na mama ko. Ang hirap kaya mag uwian. Tas ang babayaran ko na lang daw kuryente at tubig. Nakakatuwa na nakakahiya. Nakakatuwa kasi mararanasan ko na ring umalis sa puder ng magulang ko. Chos lang. I mean yung hindi ako nakatira sa bahay namin. Wala lang. Gusto ko lang maexpirience. At ayoko talagang kasama kuya ko. Nakakahiya kasi hindi ako magbabayad ng upa. As i said kuryente at tubig lang sa isang taon.Tas kasama ko kuya niya. Mahiyain talaga ko eh. Ayun. :)